Friday, September 30, 2016

ISLAMIC POETRY: Shabu


Kilala sa pangalan, sakit sa lipunan
Sa mga tao ito'y ginawang libangan
Umano'y pampalakas ng katawa't isipan
At problema raw ay tiyak malilimutan
Ang shabu'ng gamit na droga ay ginawang bitamina
Salat man o mayaman ito'y kinahuhumalingan
Kinabukasan napapabayaan
bahalang salita na lang ang nalalaman

Hindi mo ba maintindihan
Buhay moy saglit lang
Tapos sasayangin mo lang
Ano ang problema mo kaibigan?

Hangga't buhay ka problema talaga'y nariyan
Kahit anong gawin mo hindi mo 'to matatakasan
Sa paggamit ng shabu ikaw ay nabubuang, kalusugan mo'y parang wala na lang
Isipan mo ay umiikot nalang, nawawala na sa katinuan

Sa iilan, droga'y sagot sa pangangailangan
Ginawang negosyo upang kapretso ay matustusan
Subhanallah kaibigan ba't ka ganyan?
Sariling interest kinakain ang buo mong katawan

Mundo'y gusto mong angkinin
Modernong mga bagay gusto mong bilhin
Droga ang sagot sa matagal mong dalangin
Madaling pera agad gusto mo ma angkin

Hoy, gumising ka! 
Di kaba napa-praning?
Baka bukas paggising mo wala ka na
mental hospital ang na iyong punta
Dahil akala mo ang pera ay nagsasalita

Resulta ng adiksyon, kung sinu-sino hinahamon
Patalim agad sa inosenting tao nakabaon
Sa selda ngayon 
Ika'y gustong umahon

Kabataan ngayon nalilinlang na
Droga ngayon nagbabaha na
Kaya pangulo naaalarma
Dahil baka sa sunod na henerasyon 
Bansa'y wala na

Dahil sa sobrang kahirapan na natatamasa
Mga magulang, hiling ko lang sana
Anak ay pangaralan ng may pagmamahal 
Bigyan ng maigting na gabay at disiplina

Ang adiksyon sa drogay'y walang pinipili
Edukado man o hindi
Kaya kaibigan magbago kana wag lang sandali
Sapagkat laging tandaan ang buhay ay hindi madali

Kabilang buhay dapat mong paghandaan dahil do'n ang ating hantungan
Kung ang buhay di mo maintindihan
Kung ako sayo'y Islam iyong pag aralan
Batid ko'y doon mo matatagpuan ang tagumpay at kaginhawaan

****
About the Poem
This poem "Shabu" was written by Aisheen Flores Ayuban from the city of Butuan, Philippines. Aisheen is a devoted Islam convert who enjoys writing Islamic inspired poetry. Online Creatives will be featuring more of her works in the next posts. Stay tuned, everyone!

You may visit our Facebook page to get the latest creative pieces, here.

Thursday, September 29, 2016

ISLAMIC POETRY: O Aking Muslimah

O Aking Muslimah
ni Aisheen Flores Ayuban

O' muslimah ikaw ay natatangi
Sa kagandaha ng mukha man o ugali
Kagandahang taglay na iyong ikinukubli
Gamit ang abaya't belo bilang palamuti

Kung sa iba ika'y katawa-tawa
Sa pananamit mo na nakatago ang awrah
Hindi mo ito ipinag-aalala 
Dahil alam mong hindi ikaw ang kawawa kundi sila

Hindi man madali ang iyong ginagawa
Lalo na't takpan mo ang iyong mukha
Mata lang ang iyong ipinapakita 
Ngunit hindi mo ito alintana 

Di mo rin alintana 
Ang puna ng iba
Na ikaw daw ay parang kinukulong
Sa sarili mong gawa
Sapagkat alam mo kung ano ang tama

Qur'an at hadith ng Rasul ang iyong basihan
At hindi mo pinakikinggan 
Ang tawag ng makamodernong paraan 
Na ikinasisiya ng iilan

Iyong pinaninindigan
Jannatul Firdaus ang gusto mong puntahan
Sa iba man ikaw ay naiiba 
Talagang ikaw ay kakaiba

Sa eman at taqwa palang talbog na sila 
Ang pagsisikap na iyong binibigay 
Sa Allah mo lamang inaalay 
O muslimah ikaw ay walang kapantay

Ang munting tula kong ito'y gusto ko sayo'y iaalay
Bilang pagsaludo kung paano mo isinasabuhay 
Ang Islam na relihiyon na ginawa mong patnubay
Sa lahat ng bagay hanggang sa huling hininga ng iyong buhay

La ilaha ilallah muhammadur rasulallah 
Ang iyong huling sambit 
Na sa ano mang kayamanan sa mundo'y
hinding hindi mo ipagpapalit


****
About the Poem
This poem "O Aking Muslimah" was written by Aisheen Flores Ayuban from the city of Butuan, Philippines. Aisheen is a devoted Islam convert who enjoys writing Islamic inspired poetry. Online Creatives will be featuring more of her works in the next posts. Stay tuned, everyone!

You may visit our Facebook page to get the latest creative pieces, here.